Huwebes, Abril 12, 2012

Friday the 13th (Rant lang)

Naaasar ako ngayong araw. Actually, kahapon pa ako asar. Kasi naman, biglang na-dissolve yung isa kong subject. Yan tuloy, sayang ang binayad kong tuition fee. Kaya nakapag-preorg tuloy ako ng di oras. Kaso, wala naman ung dalawang prof sa stat 101. Grabe lang talaga, puro kamalasan. Tapos, naalala ko, Friday the 13th nga pala. Sh*t! Tinamaan talaga ako ng kamalasan. Kaya ngayon, nasa dorm lang ako at hinihintay na magunaw ang mundo. (Joke!) Nasa dorm lang ako ngayon, nakahiga at nag-iinternet. Obviously, wala na akong klase. At ayoko ng ganito.Gusto ko pang magklase kasi naman sayang talaga ung binayad ko. Kaya naman sana maawa na sa akin ang langit at bigyan ako ng swerte sa Monday para matanggap ako sa stat 101.